Tuesday, March 23, 2010

Kwentong kababalaghan:

Sumama Ka Na

Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan siya habang naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi siya sinundo ng kanilang driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo sa bahay nila. Naiinis siya dahil sa sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya sinabihan na hindi siya masusundo. Kung kaya sa sobra niyang inis ay nakaya niyang lakarin ang kalagitnaan ng gabi.
Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang kanyang nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin sa pagdaan niya sa isang malkaing puno ng mangga, kung kaya’y binilisan niya ang paglakad hanggang nakarating siya sa kanilang bahay.
“Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit kaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy mo, nasaan na siya? Ang tanong ng kanyang ina.
Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at dali-daling umakyat sa taas.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad kanina. Sa tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan. Tiningnan niya ang paligid ng kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy. Ngunit sa paghahanap niya ay wala siyang makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan. Tinawag na naman ulit ang kanyang pangalan ng makatatlong beses. At doon ay nagsimula na siyang kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga di kanais-nais niyang napapansin. Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw hanggang sa makatulog na.
At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang klase dahil masyado na siyang late. Kung kaya’y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi pumasok. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam.
Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may palaging sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya. Ngunit hindi niya malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring iyon. At ni minsan ay hindi niya ito piagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay mas lalo pang lumala ang kanyang nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya kinaya pang itago ito sa kanyang mga magulang kaya’t ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay takot narin ang kanyang mag magulang sa maaaring mangyari sa kanilang anak.
Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang nagpahinga at humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses.
“Rosa, Rosa…” tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid.
Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot siya sa tinig na kanyang narinig.
“Sino yan? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit ka nakapasok? Takot na tanong ni Rosa sa boses.
Bigla itong nagpakita kay Rosa.
“Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin”
Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng anak ay bigla na lamang nawala ang lalaki.
“Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?”
Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito napasigaw.
Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na nakasuot ng itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay natatakot si Aling Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring naganap sa kanyang anak. Malaki ang kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay sinusundan ng isang masamang nilalang. Hinala niya na baka nagkakagusto ito sa kanyang anak dahil marami na rin siyang narinig na mga ganitong kwento. Kaya kinabukasan ay pumunta sila sa isang manggagamot para malaman kung sino ang taong may gusting kunin si Rosa. Pinatingin na rin nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na rin nila itong pinakunsulta sa doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa pagpapatingin nila sa isang manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa kanyang hinala, na ang kanyang anak ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya gustong isama nito. At iyon nga ang hula ng isang manggagamot na may isang maitim na lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang na tulad sa’tin.
Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito.
Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang asaynment nang biglang lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya. Nagtataka si Rosa dahil ang lalaking dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang nakita niya ngayon ay isang pangit at namumula ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang dalhin ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa ang sinabi ng manggagamot na kapag nagpatalo siya at sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa, kaya pilit niyang nilabanan ang mga ginagawa ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na Panginoon. Sa pakikipaglaban niya ay hinimatay sila.
Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at walang malay si Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak.
Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa manggagamot at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya. Wala rin silang magawa kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at huwag nang gambalain pa.
‘Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki at si Rosa ay namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.

Kwentong Melodrama

Malaking Pagkakamali

“Sige Nay, aalis nap o kami.” Pagpapaalam nina Femia at Santa sa kanilang ina papuntang paaralan. Si Santa ang pangalawang anak ni Aling Josie at si Femia naman ang ikatlo at bunsong anak sa magkakapatid. Ang panganay na anak ni Aling Josie ay si Henia, nag-aaral na sa kolehiyo. Inaasahan ng mga magulang na mapagtapos si Henia dahil siya ang panganay at inaasahang unang mapagtapos.
“Nay, ano po bang lulutuing ulam natin ngayon?” Tanong ni Santa sa ina ginagabihan ng araw na iyon.
Maliban sa mabait at masipag ay mapagmahal pa si Santa. Si Femia naman ay maypagka-tomboy dahil sa kanyang mga kinikilos na hilig ay mga panlalaking gamit.
Habang nasa hapagkainan ang pamilya ay napag-usapan at natanong ng ina ang mga anak.
“Kumusta naman ang pag-aaral ninyo?” Tanong niya sa mga anak.
“Mabuti naman po nay”. Sagot ni Santa na parang siya lang ang anak.
“Alam niyong hindi madali ang magtrabaho para lang mapag-aral kayo, kaya sana, hiling ko lang sa inyo hanggat maaari ay pagbutihin ninyo ang pag-aaral dahil para rin sa inyo iyan.” Ang sabi ni Aling Josie sa kanyang mga anak.
Palaging iyan ang sinasabi ni Aling Josie sa kanyang mga anak. Siya lang ang lagging nangangaral ditto dahil ang kanyang asawa’y nagtatrabaho sa maynila para mapag-aral lang ang mga anak lalo pa’t may nagkokolehiyo na. Ang hindi lang maintindihan ni Aling Josie na sa tuwing sinasabihan niya ang mga anak na mag-aral ng mabuti ay lagging tahimik lamang ang panganay na anak nitong si Henia.
“Anak, may problema ka ba?” tanong ng ina ni Henia sa kanya.
“Wala naman po nay”. Kinakabahang sagot ng anak.
“Para kasing nitong nakaraang araw ay matamlay ka at parang may gusting sabihin,.Ano ba iyon?” dagdag ng ina.
“Wala po, may iniisip lang na projects sa skul.” Pagsisinungaling nito sa ina.
Hindi na tinanong pa ni Aling Josie ang anak, bagkus ay nagpaalam siyang pupunta sa bayan para bumili ng mauulam sabay abot ng pera sa anak para pambaon nito sa skuwela.
Palaging pinapaalala ni Aling Josie at pinagsasabihan ang mga anak tungkol sa pag-aaral. Hindi pinagbabawalan ni Aling Josie na pumasok sila sa buhay pag-ibig ngunit ang palagi niyang sinasabi na mas maganda talaga kung tapusin na muna ang pag-aaral bago ang mga ganyang bagay.
Isang araw ay napansin ni Aling Josie na parang iba na ang kinikilos ng anak nitong si Henia. At parang numumutla ito’t palaging nahihilo.
“ANo bang nangyayari sa’yo? Bakit parang matamlay ka?” nagtatakang tanong ng ina.
“Masama lang po pakiramdam ko, nay. Wala poi to, huwag kayong mag-alala okay lang ako.” Ang sagot ni Henia.
Sa pagdaan ng mga araw ay may nahalata na si Aling Josie sa anak. Kaya pala ito palaging wala sa sarili ay may tinatagong sekreto. Sekretong tiyak na makapagbibigay ng sama ng loob sa ina.
Isang araw ay hindi na natiis ni Henia, at sinabi na niya ang katotohanan na siya’y nagdadalang tao ng tatlong buwan sa syota niyang si Ariel na nagging skulmeyt rin niya.
Sa pagkarinig ng ina sa sinabi ng anak ay parang bumagsak sa kanya ang langit at nagdidilim ang paningin sag alit. Wala siyang nagawa kundi nagtatalon at umiiyak. Nawala siya sa kanyang sarili kaya nasampal niya ang anak at hinila-hila pa ang buhok na parang nasisiraan na ng bait. Dali-dali naming umakyat sa taas sina Femia at Santa, at inawat ang mga ito. Nagtataka rin ang dalawa sa nangyayari kung bakit nag-iiyakan ang mga ito. Hanggang sa nalaman na rin nila na buntis ang kanilang ate. Hindi lubos akalain ni Aling Josie ang sinapit ng kanyang panganay dahil hindi naman ito binanggit na may nanliligaw, at ngayo’y nalaman na lamang niyang nabuntis na ito. Hindi alam ni Aling Josie papaano niya ito ipagtatapat sa asawang nasa maynila. Sinusubsob ng mabuti ang sarili sa trabaho para lang mapagtapos ang mga anak. Siguradong pagnalaman ang nangyari ay mapapagalitan siya dahil siya ang nag-aaruga at palaging kasama sa bahay. Baka isipin nitong hindi niya ginampanan ng mabuti ang responsibilidad bilang ina.
“Ano bang pagkukulang ko sa inyo, bakit ganito ang iginanti ninyo.” Umiiyak na sinabi ni Aling Josie sa harap ng mga anak.
“Ikaw Henia, akala pa naman namin ng itay mo ay nagging matino ka sa iyong pag-aaral. Iyon pala kalandian lang ang ginagawa mo.”
“Wlang hiya ka talagang bata ka!” Pasugod na sabi ni Aling Josie kay Henia sabay sampal sa mukha ng anak.
Walang nagawa si Henia kundi umiyak at humingi na lamang ng paumanhin sa ina sa nagawang kasalanan. Hindi na lamang siya lumaban pa kahit nasasaktan siya sa ginawa ng kanyang ina dahil alam niyang kasalanan din naman niya ang nangyari.
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, si Henia ay huminto na sa pag-aaral dahil nahihiya siya sa nangyari at wala siyang mukhang maihaharap sa mga tao. Hindi na rin sila nagkikibuan ng kanyang ina. Si Aling Josie naman ay hindi parin tanggap ang sinapit ng anak.
Para kay Aling Josie ay wala nang solusyon ang kanyang problema. Hindi na niya maibabalik pa ang dati.
Sa sinapit ni Henia ay natatakot na rin si Aling Josie sa maaaring mangyari ng dalawa pa niyang anak na babae baka maging katulad rin ng kanilang ate. Kahit pa man disappointed si Aling Josie sa panganay niyang anak ay hindi pa rin siya tumigil sa pagbibigay ng pangaral sa mga kapatid ni Henia na huwag tularan ang kanilang ate.
‘Di naglaon ay lumaki na ang tiyan ni Henia at hanggang sa sumapit ang kanyang kabuwanan. Kahit pa man gaano kasakit para kay Aling Josie ang nangyari sa anak ay hindi pa rin niya ito kayang talikuran. Kahit ano pa man ang mangyari ay anak niya parin si Henia, at ina pa rin siya nito. Tulad ni Aling Josie, isa na ring ina si Henia sa kanyang anak na lalaki.
Hanggang sa katagalan ay napatawad na ni Aling Josie ang anak. At ngayon ay masaya na rin siya sa kanyang apo. Nasisiyahan siya dito lalo pa’t wala siyang anak na lalaki. Sa tuwing nakikita niya ang bata ay nawawala ang kanyang pagod. Ang buong akala ni Aling Josie noon ay wala nang kalutasan ang kanyang problema, ngunit nagkamali siya dahil sa anak pa lang ni Henia ay nawawala na ang pagod niya. Mahal na mahal ni Aling Josie ang apo at buong puso na niyang pinatawad ang anak na si Henia. Ganoon din ang aswa nitong nasa maynila.
Masaya na ang pamilya ni Aling Josie ngayon at si Henia ay ikinasal sa lalaking ama ng kanyang anak. Si Santa naman ay napagtapos na sa kursong HRM at si Femia naman ay graduating na sa kanyang kursong Nursing.
Kahit pa man nagkaproblema si Aling Josie kay Henia noon ay nagawa pa rin niyang pagtapusin ng pag-aaral sina Santa at Femia. Samantalang si Henia naman, kahit may anak na ay tinapos na lang ang isang taon sa kolehiyo, sa kursong titser.

Kwentong Romansa:

Sa Madilim Na Sulok

Napaiyak si Trexie sa narinig niyang tugtog ng piano habang siya’y nakaupo kasama ang mga kaklase niya. Araw iyon ng kanyang graduation at sa wakas ay magtatapos na siya sa High School. Magpapaalam na sila sa kanilang skwelahan pagkatapos ng graduation. Higit ang kasiyahan ni Trexie ng mga sandaling iyon dahil magtatapos na siya, ngunit nalulungkot naman siya dahil maghiwa-hiwalay na sila ng kanyang mga kaklase.
Nagtapos na nga si Trexie sa kanyang High School at pinaghahandaan na niya ang pagkokolehiyo. Panganay siya sa tatlong magkakapatid sa edad na labinlimang taong gulang, na kahit kalian ay hindi pa naranasang magkarelasyon. Kung sabagay bata pa. Halos lahat ng mga kaibigan at kaklase ay nagkaranas na ng pagkakaroon ng nobyo at nobya, ngunit siya wala ni isa.
Ang lahat ng iyan ay dahil na rin sa kanyang mga magulang. Pinagbabawalan siyang pumasok sa mga ganyang bagay at sa halip ay magpukos na lang daw muna ito sa pag-aaral. At sinunod naman ito ni Trexie dahil wala pa rin naman ito sa kanyang isipan ang pagboboyfriend dahil nga daw siya’y bata pa naman. Ngunit nang siya’y magkolehiyo na ay natuto na rin siyang umibig kahit pa man binabawalan pa rin ng mga magulang niya.
May ilan na ring lalaking dumaan sa buhay ni Trexie nang hindi alam ng kanyang mga magulang dahil takot siyang mapagalitan nito. Isa sa lalaking nakarelasyon niya ay si Cristof. Nagkikita lamang sila sa lugar kung saan walang taong masyadong makakakita sa kanila, dahil takot si Trexie na malamn ng kanyang mga magulang na may kausap ang kasama siyang lalaki kung kaya’y nagkikita nalang sila sa lugar na walang masyadong taong makakapagsumbong sa kanila.
“Uuwi na ako ha”..Nagmamadaling sabi ni Trexie kay Cristof nang sila’y nas-uusap sa isang madilim na bahagi ng park.
“Bakit ba palagi ka nalang nagmamadaling umuwi?’ nagtatakang tanong ni Cristof sa nobya nito.
“Baka kasi mapagalitan at hinahanap na ako ng nanay ko ngayon. At isa baka masasarhan na ako ng pinto”. Pagpapaliwanag ni Trexie.
Iyon ang palaging dahilan ni Trexie kapag nag-uusap sila ng kanyang kasintahan para lang makauwi siya ng maaga sa bahay nila. At takot siyang paghinalaan ng kanyang mga magulang kung bakit siya ginagabi ng uwi sa bahay. At sa pag-uwi niya ay nagtatanong nga ang kanyang ama kung saan siya galling.
“Doon lang pos a kaklase ko, may kinuha lang po.” Pagsisinungaling ni Trexie sa kanyang ama.
“Anong oras na ngayon, may kinuha ka lang tapos ngayon ka lang nakauwi,” ang sabi ng kanyang ama sa kanya.
Napansin ni Trexie na nakahalata na ang kanyang ama sa kanyang ginagawa kung kaya’y hindi na lamang siya umimik. Sa tuwing ganyan ang mangyayari kay Trexie ang laging nasa isip niya na hanggang kailan pa kaya maging ganito ang sitwasyon nila ni Cristof. Kailan pa kaya siya mapapayagang pumasok sa buhay pag-ibig, gayong kahit naman tutol siya sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ay hindi naman niya oinapabayaan ang kanyang pag-aaral.
Gusto ni Cristof na pumunta sa bahay nila Trexie para makilala naman ang mga magulang nito. Ngunit ayaw naman ni Trexie dahil baka raw pagalitan siya at sa halip ay tinakoy pa niya ang nobyo na pag pumunta daw ito sa bahay nila ay baka hahabulin siya ng itak palabas ng bakuran ng kanyang tatay. Nirespeto naman ni Cristof ang kagustuhan ni Trexie at hindi na lamng nagpilit na pumunta pa sa bahay nila. Tinitiis na lamang nila na magkita sa dati nilang tagpuan tuwing gabi.
“Hanggang ganito nalang talaga tayo, dahil hindi pa ako handing ipagtapat nila nanay at tatay ang tungkol sa atin. Sa ngayon, ay magtiis na lang muna tayo. Kung talagang mahal mo ako, dapat maintindihan mo ang sitwasyon ko tungkol sa aking mga magulang”. Ang pagpapaintindi ni Trexie sa nobyo.
“Ok lang naman sa akin iyon eh, dahil mahal din kita. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Hayaan mo darating din ang tamang panahon” Sabi ni Cristof.
“Salamat kung ganoon.” Natutuwang sabi ni Trexie at niyakap niya ang nobyo.
“Hayaan mo darating din ang tamang panahon”. Sabi ng lalaki.
At gumanti naman ng yakap ang nobyo nito sa kanya at ipinaramdam nito ang pagmamahal niya sa babae.
“Sana nga lang Cristof darating pa ang araw na iyon, dahil sawa na akong magtago sa isang madilim na sulok.